Thursday, April 2, 2015

Tayo ay magsimula sa isang panalangin

Nais kong magbigay ng isang bagay na maaring maging inspirasyon, pagbabago at kabutihan, sa pamamagitan ng instrumentong ito na makabago sana ay di natin makalimutan ang aral ng panginoon sa atin, na siya nating magiging tulay upang mapa-unlad ang ating sandaigdigan at lalo na ang ating mga sarili bilang isang tao na may takot at pananampalataya sa ating ama na nasa langit na may likha ng lahat ng bagay dito sa lupa, ginawa ko itong blogspot na ito dahil na rin sa aking sarili, upang mabigyan ako ng mas bukas na kaisipan, kabutihan sa iba, at higit sa lahat matuturuan ang aking sarili na makinig sa pahayag ng iba... respesto sa kanila at mula sa kanila na magbibigay ng napakalaking rason upang respetuhin ko ang aking sarili.

Manalangin tayo nang kung anu ang nasa sa loob ng ating puso at taliwas sa pareho at paulit ulit na pagbigkas ng mga binuong salita at pangungusap mula sa iba.

Ito ang aking panalangin sa ating Ama sa langit

Ama namin na lumikha ng lahat, manaig sa iyong ngalan ang kabanalan, ako ay nananalig sa iyo, idulot mo nawa ang iyong kaharian sa akin dito sa lupa gaya nang sa langit, akoy tutugon sa iyong kagustuhan, handugan mo nawa ang aming hapag kainan sampu ng aking pamilya at kapwa tao sa bawat araw ng aming hiram na buhay mula sa mapagpala mong puso, sa lahat gawa kong sala akoy bigyan mo ng aral at kapatawaran tulad ng aking ibinibigay sa bawat tao na nagdulot ng kamalian sa akin at sila naman ay ganun din sa akin. wag mo akong hayaang matukso at malagay sa anumang kapahamakan, Amen

No comments:

Post a Comment